ang gulo ng mundo n0h....mabigat ang pakiramdam ko ngayong hapon kc ang gulo ng mundo!!!!!!!
halimbawa tahimik ka lang...ung ibang tao papansinin kung bakit tahimik ka, tatanungin ka kung may sakit ka o masama pakiramdam mo o kaya naman bka may problema ka lang...
tpos sasagutin mo sila ng okei lang ako...para maitago ung nararamdaman mo...sasabihin mo inaantok ka lang pero ang totoo masama ang loob mo, sa kung ano mang dahilan wag na nating pag-usapan...
pag naman in-express mo ang nararamdaman mo at nagsalita ka, may mga nagtatampo at kung ano rin man ang dahilan nila hindi ko alam...sabi nila nagiging tactless ka lang...pero kung halimbawang sa kaibigan mo sinabi ang mga pangungusap o kataga na sa tingin mo eh para lang sa ikakabuti nila at bilangkaibigan karapatan mo at responsibilidad sa mga kanila ang ipaalam ang nasa kalooban mo...mali ba ang magsalita???
ang gulo ng mundo diba....may gawin ka o hindi parang sa dulo ikaw pa din angmali...san ka ngayon lulugar??? sa loob na lang kaya ng banga, malay natin maging halimaw ka pa at least matatakot sa'yo ang mga tao...hindi na kung anu-ano ang nagiging judgement sayo...sabi nga sa isang teen show na napanood ko "sometimes being a friend is hard coz you have to tell the truth even if it sucks"
o sige tama na muna ang negativity...humihingi ako ng tawad at ngayon lang ako nag-update...new year is not that good for me....di ko rin po alam kung bkt???parang di ko lang feel ang new year...2006 na pla di ko namalayan at hanggang ngayon parang wala pa rin akong pakialam...
anyways, hi-ways, byways and all the ways...nangako ako kay baboy na for this year i will read at least 50 books...kasi di ako mahilig magbasa, so as a starter i'm reading pocket size books kasi pag nakakita ako ng makapal mejo nadi-discourage ako dahil parang di ko kayang tapusin at tingnan ko pa lang sya nabo-bore na ko....
so eventhough i didn't had a good start of this year i promised baboy na mag-uubos ako ng oras just reading books, and here's the list of the books that i already read and the books that i want to read in the future....
ALREADY READ:
LITTLE PRINCE by: Antoine de Saint-Exupéry
ANIMAL FARM by: George Orwell
LORD OF THE FLIES by: William Golding
ABNKKBSNPLAko by: Bob Ong
TUESDAYS WITH MORRIE by: Mitch Albom
BY THE RIVER PIEDRA I SAT DOWN AND WEPT by: Paulo Coelho
THE ALCHEMIST by: Paulo Coelho
FIVE PEOPLE YOU MEET IN HEAVEN by: Mitch Albom
ANG PABORITONG LIBRO NI HUDAS by: Bob Ong
ANG ALAMAT NG GUBAT by: Bob Ong
HAVE BABY, WILL DATE by: Andrea Pasion
STEEL LONGGANISA by: Bob Ong
TO BE READ IN THE FUTURE:
NO BOYFRIEND SINCE BIRTH
MR. WRITE
SCREWTAPE LETTERS
MEMOIRS OF A GEISHA
VINCENT'S LIFE
and many more....
goodluck na lang po sa akin....hanggang dito na lang po muna dahil tinatamad na naman ako....