\ muddled thoughts!!!!: ANG SULAT...

Tuesday, January 17, 2006

ANG SULAT...

i'm here again...actually i was hesitating to write this letter dito sa blog kasi mejo personal, but i thought that what's my blog for?? diba kung di ko susulatan ng kung anu-ano....

this letter was an activity in our devotion in the sunday school, and was led byshad...i had tried this a lot of times and maraming beses ko na rin sinunog ung mga letters na ganito...

the activity was to write something to yourself, kahit ano basta ung gusto mo sabihin sa sarili mo...this is kindda' funny and at the same weird but more on the weird side kasi ikaw ba naman sulatan mo sarili mo diba...so brace yourselfsa pagbasa ng weird letter na 'to....by the way, friends, okei lang mag-react,wag lang sobrang violent ha...this is just an activity...so here it goes...


to my dearest crissel,

i know right now na magulo ang utak mo, you have many hang-ups about almost everything...you really don't know you're problem, yun yung problema...alam mong sa sarili mo nagsimula yun, pero bakit wala kang ginagawa...maraming kaibigan ang gustong tumulong pero bakit pakiramdam mo mag-isa ka pa rin, ang dami mong iniisip pero di mo alam ang uunahin...ano ang pinaka problema bakit ka nagkaka-ganyan...sa una, di mo pinapansin pero ngayon lagi mo na nang napapansin...malaki na kasi...

yung mga dapat mong gawin, di mo ginagawa yung mga di naman dapat, yun yung mga ginagawa mo...ano ka ba??? kelan ka ba uli mag-iisip ng matino? naaalala mo badati na lagi kang nandyan para sa iba, kahit sino pa sila...bakit ngayon, nagbago ka puro sarili mo na lang ang iniisip mo, puro problema mo na lang...diba dati nabasa natin na minsan kung wala kang makita solusyon sa problema mo minsan nakakatulong yung makinig sa problema ng iba...eh nasan ka???

ang daming bumabagabag sayo na hindi naman dapat...nakalimutan mo na ba na lagi kang may kasama, na buong mundo mawawala pero hindi SYA...eh anong ginagawa mo? bakit di ka tumawag, humingi ng tulong at magpasaklolo?? siguro nahihiya ka sa mga ginawa mo before pero past is past, what's important is the present...

lagi ka na lang frustrated kahit sa maliit na bagay nafru-frustrate ka...bakit ulit? sabi nga ng bestfriend mo merong plano para sayo, anuman yung mga nangyayari sayo, my dahilan...

sa bawat araw na hinahayaan mong ganyan ka, unti-unti kang lumalayo sa KANYA pati sa kin, di ka ba nag-iisip na baka dumating ang panahon na pati ako, di na rin kita makilala...lagi may chance na binibigay sayo, bakit di mo kaya i-grab, kahit isa lang...itry mo...get out of your comfort zone...

crissel minsan tinanong mo na rin ako kung sino ka bang talaga...sinagot kita...ikaw si crissel yung malapit sa Diyos, mabuting kaibigan sa lahat, di namimili kung sinong tutulungan at ikaw din yung crissel na mabait na nakasama ko simula pagkabata ko...bakit ka nagbago? anong dahilan?? di naman kita iniwan, lagi akong nasa tabi mo at di lang ako pati si God, pero bakit?? siguro u needed time for yourself pero hindi pa ba sapat sayo ang mula pagkabata hanggang ngayon para malaman kung sino ka talaga at ano talaga ang gusto mo??

lagi mong sinasabi na wala kang pakialam sa kung ano yung iisipin ng ibang tao, pero bakit ngayon parang nagiging people pleaser ka na...marami ka nang dapat sagutin sa kin pero minsan di mo ko sinasagot, minsan nga di mo ko pinapansin...malaki na tampo ko sayo, i know you're a good person, but why are you doing this to yourself?? why do you need to deal with this??

si God lagi syang nandyan para sayo pero tulad ko di mo rin sya pinapansin...minsan mo nang sinabi na gusto mong maging tulad ni Joan of Arcadia na kinakausap ni God...alalahanin mo na ikaw lagi ka nyang kinakausp pero tinatalikuran mo sya...pero anong ginagawa nya? lagi pa rin syang nandyan para sayo...maraming beses ka na nyang kinausap pero maraming beses mo na rin syang binastos...di ka ba nahihiya?? o baka naman ginagawa mo nang reason yung hiya mo para di lumapit sa kanya...siguro laki na din ng tampo nya sayo pero okei lang yun, di ka pa rin nya pinapabayaan...mahal ka nya!!! alam mo naman yun diba...pero bakit tuloy ka pa rin sa ginagawa mo?? kelan ka hihinto?? kelan ka titigil? di ka ba napapagod?? ang hirap kasi sayo sarili mo lang iniisip mo, pano na ko? bahagi mo ko diba?? pero bakit parang di ako nag-eexist? ganun ba kalaki problema mo? akala mo ba walang solusyon...sayo ko nga narinig ung linyang "nothing is permanent, it will pass"...

crissel matatapos din lahat yan, just hang on ang call, maraming gustong tumulong, kasama na ko dun...just give us a chance, be fair and listen to everyone, daming nandyan para sayo, mahal ka nila...mali yung mga iniisip mo...di ka mag-isa, marami tayo...dapat nga masaya ka kasi marami kang kaibigan na willing tumulong, you just need to ask, sayo din nanggaling un diba? last na 'to bakit di mo kaya i-apply sa buhay mo yung mga sinasabi mo...

mahal kita...dito lang ako...

CRISSEL

9 Comments:

Anonymous Anonymous said...

funny letter crissel, don't know what to say! hehehe...aida

7:44 PM  
Anonymous Anonymous said...

also you and your friends need to explain to g that not leaving her own blog is the best way to go...for quitting is losing and that's what the enemy wants her to do, just my take...aida

10:40 PM  
Blogger crissel said...

i think i dont get it? leaving what???? can u explain more further...

10:36 AM  
Anonymous Anonymous said...

it seems like you don't read her blog, so that's okay then :) i thought you did at some point so it's okay... have a great day!

12:22 PM  
Blogger crissel said...

now ive read it...guess that the "devil" doesn't stop from putting chaos into g's life huh...well, good for g that she's setting up some security measures...i think g did a good thing of leaving her blog coz in the 1st place she should look down on the level of that "person"...i think fighting with that "person" is too pathetic....

4:48 PM  
Anonymous Anonymous said...

okay then, whatever decision she made we'll have to respect that :)
and i wish her well...

6:46 PM  
Blogger crissel said...

ayt!!! hope that she's happy na lang...hav a nyc day...

10:14 AM  
Anonymous Anonymous said...

yeah, and i think she'll be fine :)
take care...

3:12 PM  
Blogger crissel said...

hey leth, tnx for being such a friend...i know na marami akong kulang but inspite of that ur still der for me...thank you very much as in...i love you leth...m taking it one day at a time...tnx uli...

5:56 AM  

Post a Comment

<< Home